Make your own free website on Tripod.com

The Life Story of Teen Questor Neri Naig on 'Maalaala Mo Kaya' (Thursday - July 01)


TITLE: "Salamin"
CASTS:
Neri Naig
as herself
Susan Africa as her mother
John Arcilla as her father
Julia Clarete as her elder sister
Kristel Fulgar as her elder sister
Justin Cuyugan as her elder brother

With the special participation of:
Melissa Ricks as her co-questor

THE STORY:

Bata pa lamang si Neri ay nakahiligan na niya ang pag-aartista. Kaya naman, hilig rin nito ang magpaganda para magmukhang isang beauty queen. Madalas na palaban itong si Neri noong kabataan pa niya. Isang araw nang may nang-away sa kaniyang ate, ay siya pa ang nagtanggol dito pero hindi rin ito nagustuhan ng nakatatandang kapatid. Sa kaniyang murang edad din ay nagtratrabaho na ang kaniyang ama sa Saudi para sa kanila pero hindi pa rin sila gaanong nabiyayaan ng magandang buhay. Dumating ang isang pangyayaring muntikan na silang paalisin sa kanilang nirerentahang bahay sa Olonggapo dahil sa hindi pagbabayad. Pero hindi natuloy ang kanilang kinatatakutan sa pagdating ng kaniyang ama. Lumagay sa piling nila ang kanilang ama. Bumili na rin sila ng bagong sariling lupa at bahay ay doon sa Baguio nagsimulang manirahan. Ang lugar kung saan nagsimula ang mas matataas pang pangarap ni Neri. Pero sa di inaasahang mga pagkakataon ang gumawa ng matinding sama ng loob ni Neri sa kaniyang mga ate. Nang minsang nakikikipaglaro ito at pumupusturang isang beauty queen ay sinabihan siya ng mga nakakatandang kapatid na babae na: "Neri' feeling beauty queen ka na naman! Nainsulto si Neri at nasaktan sa mga binitawang salita ng mga kapatid. At doon nagsimula nang magtanim siya ng sama ng loob sa kaniyang mga ate hanggang paglaki. Madalas tumingin si Neri sa salamin at tila ba tinatanong na "Maganda ba ako?" Hindi niya makita ang tunay na kagandahang hinahanap sa panlabas. Lalo pa't nang dumating ang mga matitinding pagsubok sa kaniyang buhay bilang dalaga. Mayroong nagbigay ng bulaklak kay Neri at sa kaniyang buong pagkakaalam ay simula na ito ng pagsuyo sa kaniya ng mga lalaki. Pero sa di inaasahang sandali nang matunugan na pinaglalaruan at pinagkatuwaan lamang siya ng mga ka-eskwela. Parang gumuho ang buong mundo sa dalagang si Neri nang marinig ang mga salita mula sa mga lalaki na: "Kung manliligaw na lang ako, sa maganda na hindi dun sa panget! (Neri). Sa pagkakataong yun ay tila gustong tumakas ni Neri sa mundong ginagalawan at sa kabutihang palad ay isa sa kaniyang mga guro ang dumamay sa kaniya. Mas lalong nasira ang tiwala ni Neri sa kaniyang sarili kaya ginawa niya ang lahat para lamang hindi magmukhang hindi maganda. Mula sa mga fashion magazines ay nagpagupit siya ng buhok gaya sa isang modelo. Ikinagulat ito ng mga kaibigan at ka-eskwela, maganda naman ang kinalabasan. Pati kaniyang mga ate ay pumuri sa kaniyang bagong itsura. Ngunit ang naramdaman ng dalaga ay insulto mula sa mga nakakatandang kapatid. Pero sa gitna ng paglabas ng kaniyang matagal nang tinatagong sama ng loob ay nanaig pa rin ang puso at sila'y muling nagkasundo. Nang dumating ang taon ng kolehiyo para kay Neri ay naging maganda na ang trato sa kaniya. Agaw pansin ang kaniyang magandang pustura at mala-artistang paglalakad. Kaya nga naman di naiwasan ang masabihang 'maarte' o 'mataray'. At dumating nga ang isang napakgandang pagkakataon nang minsang mapanood sa ABS-CBN ni Neri ang pagtawag para sa mga nangangarap mag-artista para sa pinakabagong talent search, ang Star Circle Quest. Ayaw palampasin ni Neri ang pagkakataon kaya naman nang malaman ng ina ang mithiin ng anak ay di na ito nagdalawang isip na payagan ito. Ngunit, ang kaniyang ama naman ang hindi sumang-ayon sa mga balak ng dalaga at sa halip ay tapusin muna ang pag-aaral. Walang nagawan si Neri kundi ang sumunod sa ama. Pero nang ilang beses na makita ang patalastas para sa Star Circle Quest ay mas lalong nanghihinayang si Neri sa napakagandang pagkakataon. Dahil sa butihing loob ng ina ay tinulungan nito si Neri na tumuloy sa final audition at inilihim sa ama. Kaya naman, mula Baguio ay maagang umalis ang mag-ina para tumungo sa ABS-CBN para sa Final Audition. Sinuwerte si Neri sa unang screening at dumating pa ang pagkakataon na muli siyang pinabalik para sa pagharap sa mga jurors. Maganda ang impresyon ng mga hurado sa performance ni Neri kaya napasama siya hanggang sa Magic Circle of 10 ng Star Circle Quest. Hindi din nakalagitas sa ama ang pinasukan ng anak na si Neri nang mapanood sa TFC sa Saudi ang pinasukan ng anak. Kaya walang magawa ang ama kundi ang sumang-ayon na rin at sumuporta sa anak na nanghahangad maging isang bituin. Akala ni Neri ay tunay na daan na ito patungo sa inaasam niyang tagumpay. Pero sa gitna ng lahat ay ang mga hirap at sakit na dinaranas niya habang lumalaban sa patimpalak. Kahit anong ganda ng laban ni Neri ay hindi siya mapansin at magustuhan ng mga tagasubaybay. Iba ang tingin sa kaniya ng mga manonood at mali ang impresyon sa kaniyang pagkatao. Kaya naman, sa mga boto ay masakit na tinanggap ni Neri na siya ang mayroong pinakamababang boto. Hindi siya ganon mayroong karaming fans at ang masama pa'y hindi magagandang salita ang ibinabato sa kaniya. Patuloy na lumaban si Neri, pilit pinilit na manalo sa nasabing talent search. Kung ano ang baba ng bilang ng kaniyang boto ay siya namang taas ng kaniyang grado sa kaniyang performance mula pa sa mga jurors at mentors. Akala niya, ito na ang palatandaan para maabot ang pinakamataas, bilang Grand Questor kaya naman ginawa niya ang lahat para dito. Nanatili siya bilang isa sa pinakabagsak na boto pero siya naman ang pinaka talented sa grupo. Kaya naman, ang tanging suporta na lamang sa pamilya, mga kabigan at kaeskwela ang ginawang inspirasyon ng dalaga. Ngunit nang dumating ang isang pagkakataon, na tila magtatapos na sa lahat ng pangarap na binuo ni Neri. Nang hindi siya mapasama sa Magic Circle of 5 para magkamit ng 1Milyong piso. Nang tawagin ang kaniyang pangalan bilang "OUT" ay sa halip na matinding lungkot at pagdamay ang masaksihan sa loob ng Aliw Theatre ay mga nakabibinging hiyawan at tuwa pa ang narinig dahil ang kalabang si Sandara ang nakapasok. Narinig ni Neri ang pinakamagagandang salita na natanggap niya mula sa mga jurors at di mapigilan ang pagluha para sa pinakamsakit na karanasan sa laban. At ang pamilya niya ang may pinakamagandang suporta ang ibinigay bila mga nangunguna niyang tagahanga. Hindi nagtapos ang laban para kay Neri, dahil ang naganap na pagkakatanggal sa kaniya ay naging kontrobersyal sa lahat. At di inaasahan niyang makatanggap ng suporta sa mga taong di niya inaasahan, ang mga tagahanga. Pero tinaggap ni Neri ng buong puso ang pagkatalo nang walang sama ng loob. Sa kabila pa nga ng pagkatalo, ay mas lalo siyang napansin at sinuportahan ng mga tao sa kabila ng kaniyang pagka-"out". Hindi doon nagtapos ang lahat para sa kaniyang mga pangarap, dahil mananatili pa rin siya bilang isa nang ganap na artista sa ABS-CBN.

WITH SPECIAL FOOTAGES:
Star Circle Quest
Special Assignment