Almost five months na paghihirap ang dinanas ng Magic Circle of Five ng Star Circle National Teen Quest.
It all came to a magical end last Saturday, January 29 at the Ultra, when Erich Gancayco from Davao was crowned Grand Questor.
Kumustahin natin sila after all that tension and excitement.
DM: Happy ako kasi maayos na natapos yung SCQ, number one pa. Tsaka happy ako kasi nanalo si Erich.
Charles: Happy ako kung asan kami ngayon, di ko inexpect na makakapasok ako ng showbiz at makikilala ng tao. Happy ako sa result, yung whole show, yung production numbers namin, isa isa, marami akong naririnig na maganda yung numbers namin tsaka yung whole show. Kaya happy ako para sa aming lahat. Tsaka happy din ako na kapwa Davaoeño ang nanalo, so I’m proud.
Erich: Siyempre happy ako kasi natapos na yung show, pero nalulungkot din ako kasi mamimiss ko yung show, yung mga staff, mga tao sa likod ng SCQ. Excited na rin sa anumang susunod na mangyayari saken at sa amin. Thank you kay Lord
Arron: Masaya po ako dahil natapos na rin ang SCQ, nakakamiss din yung mga dating dinaanan mo simula sa Baguio palang. Siyempre ngayon hahawakan na kami ng Talent Center, saka yung mga nameet naming, excited nako. Sana mapaganda pa yung career namin. Saka masaya po ako kay Erich kasi deserve po niya manalo. At least ngayon relaxed na kami saka wala ng pressure.
Paw: Ako po masaya ako, lalo na nung mismong Grand Questors Night. Malungkot lang yung katulad ng sinabi ni Erich, tapos na yung show, hindi na rin kami laging magkakasama. Pero masaya kasi maganda yung kinalabasan ng whole show at saka nagustuhan ng jurors yung performance ko.
Q: When it was time to announce who would be in or out, the five of you were standing there, how did you feel?
Paw: Ako nung andun kaming lima, wala na. Nung gabing yun pinakanervous ako dun sa production number ko. Pero nung andun na kami, hindi na ako masyadong kinakabahan kasi since nasa Magic Five na ako, okay na yun.
Charles: Sakin mas kinakabahan ako sa production numbers, nung hindi pa nagstart, kabado talaga ako. Ang daming nanunuod, hindi lang Philippines, magisa ka sa harap ng camera, sumasayaw. Konting mali mo lang, kitang kita ng lahat. After naman, sa awa ng Diyos, maganda naman kinalabasan kaya happy ako. Hindi ko na inisip kung sinong maa-out.
DM: Masaya ako sa production number ko, ang daming natuwa. Kahit na nung una iniisip ko na yung number ko yung pinakasimple, mali pala ako. Hindi pala siya simple, masaya siya. Masaya rin ako kasi nakikita ko yung mga tao na nagagandahan sila. Nung iaannounce na yung winner, handa na po ako sa kung ano man ang result. Kahit ano pong mangyari doon sa ginawa namin, magiging masaya ako kasi yung po yung bigay ni Lord.
Erich: Nung moment na yun, siyempre parang okay na kasi natapos na yung production number ko. Hindi na ako kinakabahan kasi win or lose, lahat kami panalo na eh. Kung baga i-aannounce na yung Grand Questor, wala na yun. Kasi kahit sino manalo lahat naman kami panalo na.
Arron: ako rin mas kinabahan sa production number ko. Nung una habang nagrerehearse ako, nalaglag ako sa harness. Nabitawan nila yung tali, kaya nalaglag ako. Kaya nakakakaba, pero pagtapos ng lahat, masaya na rin ako, lalo na nung kaming dalawa nalang ni Erich.
Q: Arron and Erich, nung kayong dalawa nalang sa stage, what went on in your mind? Kasi diba parang reminiscent of the first Grand Questor’s Night, Hero and Sandara were left on stage. Tapos si Arron pa yung Texter’s Choice, may similarity diba? So what went on in your minds?
DM: Four million, four million!!! Hahahahah
Arron: Nung nandoon na kaming dalawa ni Erich, alam ko na na siya yung mananalo.
Erich: Ako din ang alam ko siya yung mananalo eh. Kasi ang dami dami niyang fans tapos magaling din siya kaya hindi ko inisip na ako yun.
Arron: Ako nga ang nakikita ko at naiimagine ko, Hero-Sandara talaga eh. Naisip ko talaga yun.
Q: Ngayon na artista na kayo, ano ba ang mga dream projects ninyo? Anong klaseng show or movie?
Paw: Ako gusto ko parang Hiram. And a character like Margaret, kasi diba sobrang nakakachallenge yun.
Arron: Ako yung parang Trip the movie, kasi diba barkadahan, may comedy rin doon. More on comedy siguro.
Charles: Light drama, love story yung ganun. Basta ayoko ng total heavy drama, yung iyak ng iyak. Gusto ko rin magkaroon ng movie, yung katulad ng You Got Served!
DM: Ako, gusto ko kasi maging Hollywood star, pero dito gusto ko ng fantasy adventure movie, ala Spiderman, Superman.
Erich: Ako teleserye, like Hiram and Sana’y Wala nang Wakas.
Q: Which character would you want?
Erich: Margaret (Heart Evangelista of Hiram)
Q: Who’s the actor or actress that you would want to follow the footsteps of?
DM: Aga Muhlach, kasi magaling po siya tapos gusto ko rin ng maayos na pamilya katulad niya. May ideal family
Arron: Ako si Piolo, kasi diba nung bata pa siya hanggang ngayon, nadedevelop talaga yung galing niya. Tapos sikat na sikat siya, maappeal siya sa tao.
Q: You want to sing like Piolo also?
Arron: Kung pwede
Paw: Heart Evangelista, kasi diba pwede siya sa lahat, kumakanta siya, magaling umarte, pwedeng VJ, pwedeng host, pwede siya sa lahat.
Charles: Sa kin Robin Padilla, ever since kasi favorite ko talaga siya. Pwede magaction, pwede magcomedy, pwede seryoso. Parang probinsyano, kanto boy, gusto ko rin yung paggiging gentleman niya. Kasi maraming nagugustuhan siya dahil doon, lalo na mga leading lady niya. Pati yung crew, kung ano raw ang kinakain nila, yun din ang kinakain niya. Gusto ko yun.
Erich: si Heart din o kaya si Kristine Hermosa
Q: Do you have any regrets at this point? Mga pinanghihinayangan?
Erich: Ako wala, kasi pinili ko ito and I love what I’m doing. Masaya naman ako kaya okay lang, sa ngayon walang regrets
Charles: Ako wala kasi pinili ko ito. Pagaaral kasi nababalikan yan, pero itong opportunity na ito hindi na. Wala akong regrets.
Paw: Ako siguro nanghihinayang na nagstop ako sa pagaaral dahil sa SCQ. Minsan naiisip ko, sana graduate nako, sana may diploma nako. Sayang din yung scholarship ko. Pero panghihinayang lang din yun. Hindi naman regret. Minsan din naiisip mo parang hindi na normal yung buhay mo. Kasi di ka na makalabas ng di nakaayos, kasi ako hindi talaga ako palaayos, dati pwede yun. Ngayon hindi na.
Arron: Ako rin minsan, nanghihinayang. Namimiss ko rin yung mga panahong nasa Tarlac ako, kasama family ko. Yung dumalaw sa sariling bahay hindi ko magawa, pero pinili ko ito kasi dream ko ito. Gusto ko rin iangat ang family ko.
DM: Sakin siguro yung pagaaral, kasi importante sakin yun eh. Unang una naging teacher mama ko, tapos siyempre yun yung pwede ipabaon sakin ng mama ko na hindi pwedeng makuha ng iba. If ever na talagang magkatime ako, isisingit ko talaga yung pagaaral. Gusto ko makahawak ng diploma, sasabihin ko sa sarili ko na nakagraduate din ako.
Q: So siyempre, I’ll ask this, Erich who would you want to be teamed up with? Arron or DM? Someone else?
Erich: As in honestly po? Kailangan po ba? (blushes)
Q: Of course you have to be honest.
Erich: Honestly si DM talaga kasi po masarap makatrabaho yung kaclose mo na, parang wala ka nang ilang factor. Pero okay din si Arron, pero si DM talaga eh.
Q: What about the others?
Paw: Wala po eh, baka po pwedeng magkontravida nalang ako.
Arron: Ako, marami po eh. Si Shaina o kaya si Bea. (big smile)
DM: Erich ako talaga, kasi diba mas masarap nga na close na kayo at lahat!
Charles: Ako si Janelle pa rin, kasi may chemistry na kami, kung baga sa trabaho effective kami.
Q: Erich how do you feel nalilink ka kay Hero, that sometimes people think of you as kontravida to the HeroSan teamup?
Erich: Oo nga po, hindi po totoo yan. Diba po hindi naman masama na makipagkaibigan? Kasi lahat naman pwede kong maging kaibigan, yung mga tao lang naman ang naglalagay ng meaning at malisya dun. Saka hindi na rin ako naaapektuhan kasi hindi ako guilty. Kung may ginagawa akong masama ako na po yung iiwas pero wala eh. Hindi ko po ilalagay ang sarili ko sa kapahamakan. Magkaibigan po kami ni Hero at wala po akong balak na sirain sila ni Sandara.
DM: Kasi po close po talaga kaming dalawa kay Hero, kami ni Erich, namimisinterpret lang nila yun.
Erich: Walang anything special samin, friends lang talaga kami nun.
Q: Okay at this point, what can you promise your fans?
DM: Ang promise ko sa mga fans, mga friends pala kasi hindi ko sila tinatawag na mga fans. Promise ko na hindi po ako magmamataas, kasi kung tutuusin kung may magmamataas, dapat sila yun. Kasi sila yung humanga sakin, sumuporta sakin. Kasi gusto ko ibalik sa kanila yung respect na binigay nila sakin. Kasi mahirap pumalakpak, mahirap maging fan, magtiyaga sa amin. Ako hindi ako magbabago, magiging mabait ako sa kanila, makikisalamuha ako sa kanila.
Arron: Ako ganun din, importante sakin ang mga fans. Saka dapat equal treatment sa lahat, magbigay pugay sa lahat. Iimprove ko pa yung sarili ko para sa kanila. Ipapakita ko sa kanila na si Arron pala dati na hindi ganun kagaling, ngayon may movie na. Kulang pa nga yung pasasalamat naming eh, malaki na ang hirap ng mga fans samin eh.
Paw: Siguro po ipapakita ko sa kanila na deserving ako makasama sa Magic Five. At saka lahat ng gagawin ko para sa kanila. Gaya ng dati ko nang sinasabi, sobrang thankful ako na sinusuportahan nila ako. Gusto kong suklian yung suporta nila saken sa pamamagitan ng pagimprove ng sarili ko.
Charles: Hindi po ako mangangako kasi baka hindi ko matupad. Sisikapin ko lang na abutin yung expectation nila. Saka para sa kanila ang lahat ng ito.
Erich: Sa mga fans po, thank you sa kanila kasi sila po talaga yung inspiration ko. Gagawin ko lahat para sa kanila, sana wag sila magsawa sakin. Natutunan ko na dapat palaging nakasmile ka, kahit pagod ka, kasi hindi naman lahat naiintindihan yung trabaho eh. Sa mga fans naman ni Sandara at Hero, wag naman kayo magalit sakin, kasi magkaibigan lang talaga kami ni Hero. Sana maniwala kayo, wala lang kiniclear ko lang para malinaw.
(laughter all around the room as DM teases Erich about her segue)
(DM is the most energetic and talkative, Arron is funny, Charles was very sleepy, Paw was articulate and Erich was her usual bubbly honest self.)
(courtesy of ABS-CBN Interactive)
|