Make your own free website on Tripod.com

The Life Story of SCQ Grand Teen Questor
Hero Angeles on Maalaala Mo Kaya
(Thursday - July 08)


TITLE: "Guhit"
CASTS:
Hero Angeles
as himself
Amy Austria as his mother
Michael de Mesa as his father
Gerald Madrid as his elder brother
Nikki Judalena as his elder brother

THE STORY:

Lumaki si Hero noon sa isang maayos, kumpleto, masaya at masaganang pamilya. Hindi sila mayaman pero nakakaahon sila sa kabuhayan. Nagtratrabaho bilang isang Dealer sa isang Beer Company ang ama niyang si Kiko, kaya naman malaki rin ang nakukuha nilang pera dito. Sa katunayan, nagmamay-ari pa sila noon ng isang kotse kaya hati-sundo sila sa eskwelahan. At tuwing sumasapit ang Pasko o Noche Buena ay masasarap na pagkain ang nakahapag sa kanilang mesa. Sa kamusmusang gulang pa lamang ni Hero ay nakahiligan niya na ang paguhit. Ngunit sadyang mapaglaro ang tadhana para sa pamilya Angeles. Sa di inaasahang pangyayari ay naloko ang ama ni Hero ng isang kaibigan kaya naman malaking pera ang nawala sa kaniya, at napatalsik pa siya sa trabaho. Naakusahan tungkol sa pera ang kaniyang ama sa kumpanyang pinagtratrabahuan kaya kasabay ng pagpapatalsik ay pinabayaran sa kanila ang malaking perang nawala sa kumpanya. Kaya walang nagawa ang ama at ina kundi ang mga ari-arian na lamang nila ang ipambayad sa malaking utang. Malaking pagkakagipit ang kinahantungan ng pamilya ni Hero. At nagsimula na ngang malugmok sa kahirapan sina Hero. Nang pumasok na sa Elementarya si Hero ay tanging sandals lamang ang kaniyang suot dahil wala siyang sapatos kaya naman pinagtatawanan siya ng mga kamag-aral. Nang minsang tanungin ng guro kung ano ang kaniyang pangarap balang araw, isinagot nito na gusto niyang maging artista. Pero tanging tawanan lamang ang narinig niya mula sa mga kaklase. Sumapit muli ang Pasko at Noche Buena. Dahil nga sa kahirapan, ang dating masasarap na handa sa kapaskuhan ay napalitan na lamang ng isang mangkok ng champorado na kanilang paghahati-hatian. Tahimik ang buong pamilya sa pagdadaos ng Noche Buena. Tumulo ang mga luha sa mata ni Hero sa harap ng hapag-kainan at walang magawa kundi tanggapin ang nangyayari. Lumipas ang panahon ay nakatungtong na sa High School si Hero at gaya ng dati ay sandals pa rin ang bumabalot sa kaniyang mga paa para may maisuot lamang sa eskwela. Dahil sa likas ng mahilig sa pagguhit si Hero ay naging pampalipas oras niya ito sa eskwela. Wala siyang dalang pera o pagkain sa eskwela kaya tuwing break ay gumuguhit na lamang ito at di maiwasang mapatingin sa mga pagkain ng mga ka-eskwela at makaramdam ng gutom. Minsang nagkaroon ng Art Contest sa kaniyang school at sinalihan niya ito. Sa kabutihang palad, nakamit ni Hero ang salapi bilang panalo. Bumili siya nang maraming pagkain para sa pamilya na matagal na nilang inaasam at pati mga utang sa tindahan ay kaniya na ring binayaran. Nagtratrabaho na rin ang kaniyang ina sa pagtitinda ng ulam at paglalabada, habang ang kaniyang ama naman ay nagpapaalipin sa sugalan, ito ang napakasakit para kay Hero. Maayos na nakapagtapos si Hero sa High School. Sinabi pa niya sa ama na gusto na lamang niyang magtrabaho at tumigil muna sa pag-aaral para may maitulong sa pamilya, ngunit hindi siya sinag-ayunan nito. Nagpatuloy sa pag-aaral ang magkakapatid sa kabila ng matinding kayod ng mga magulang. Kumuha si Hero ng Fine Arts course sa University of the Philippines. Dahil sa likhang napakahusay sa pagguhit, naging trabaho niya na rin ito. Nagpapagawa ang ilan niyang ka-eskwela ng mga Art works sa kaniya at binabayaran ito ng sapat na halaga. Sa simpleng bagay na iyon ay nakakatulong si Hero sa pamilya. Madalas namang mag-away ang mga magulang niya tuwing pera ang pinag-uusapan, na higit na pinakaayaw ni Hero. Sa tuwing naririnig niya ang away sa pagitan ng kaniya ama at ina ay nakakaramdam ito ng hindi maganda. Nanginginig ang buo niyang katawan at hindi siya makapagsalita. Nagdamdam si Hero sa dinaranas nilang kahirapan. Sa tuwing gigising siya sa umaga para pumasok sa eskwela ay wala siyang aabutang pagkain. Hanggang pagdating sa eskwela ay dala niya ang pakiramdam na nagugutom. At madalas lang nilang kainin sa isang araw ay noodles o kaya champorado. Dahil sa sama ng loob, hindi na tumuloy si Hero sa eskwela. Buong akala ng pamilya ay pumapasok siya araw-araw pero ang totoo'y nagpupunta siyang mall at doon nagpapalipas ng oras. Titingin siya sa mga mamahaling bilihan at hanggang titig na lamang sa mga magagarang damit. Di nagtagal ay nalaman din ng kaniyang mga magulang ang di niya pagpasok sa eskwela mula sa isang madamdaming sulat ni Hero para sa kanila. Walang nagawa ang mga magulang kundi ang maiyak at maintindihan ang anak, Isang araw habang nasa mall ay nilapitan si Hero ng mag-asawa at inalok para maging modelo sa isang print ad. Pumayag si Hero at naging tulay na ito para kahit papaano ay makatulong sa pamilya. Naging modelo siya minsang ng Globe Telecom at Informatics sa diyaryo at nagpa-ekstra ekstra na rin sa ibang programa sa ABS-CBN na naging tranaho na rin niya habang nag-aaral. Umagawa sa atensyon nilang magkakapatid ang isang advertisement sa ABS-CBN 2 tungkol sa auditions para sa mga teens sa pinakamalaking talent search, ang Star Circle Quest. Hinikayat ng mga kuya si Hero na sumali at tinungo nga niya ang ABS-CBN at nag-audition. Sinuwerte siyang makapasa sa first and second auditions hanggang makaabot sa Magic Circle of 10. Dito unti unti nang nakilala si Hero sa TV. Dumating pa ang mas maraming suwerte sa binata, sa dami ng fans, mga napapanalunang natatanggap na malaking tulong sa kaniyang pamilya at hanggang makapasok pa siya sa Fab Five ng talent search. Dumating ang pinakahihintay na pagkakataon sa Star Circle Quest noong June 5 sa Araneta Coliseum, ang pagkilala sa Grand Teen Questor. Malaking suporta ang natanggap ng binata sa pamilya. Kaya naman sa pinakamaliwanag na parte ng kaniyang buhay ay tinanghal siyang Grand Teen Questor ng Star Circle Quest.